PMA

The man wearing a black shirt is tito Rigo de Dios. Speaker namin siya. Well, naghahanda ang CFC MM CB titos and titas para sa dry run and planning ng CLP. Siyempre, mas dominante sila when it comes to numbers kaysa sa SFC hehehe.

Kaming tatlo ho iyan kasama si speaker at si sister na sharer. As my fellow brothers and sisters and CFCs prayed for us, in my part, I prayed for the success of my duty to guide the PMA Cadets to the Lord, pray for my family, and myself as well.

There they are, the PMA first class cadets. Lumabas ako habang nag ga gathering song yung CFC and nakita ko sila nagmamartsa papunta sa simbahan. Habang nakikita ko silang nagmamartsa, naramdaman ko rin yung pagkasabik na makilala sila, ano ang buhay nila kasama ang Panginoon, at kumusta ang pakikipag-ugnayan nila sa kani-kanilang pamilya. Magkahalong pagkasabik at awa ang naramdaman ko noong mga panahong iyon sapagkat sila ang may responsibilidad na ipagtanggol ang ating bansa mula sa mga mananakop.

CFC MM Central B + SFC MM Central B + CFC Baguio + SFC Baguio = Sanib puwersang paglilingkod.

Finally, me as a worship leader. Ito ang unang beses na maatasan ako bilang worship leader sa labas ng chapter ko at unang beses din na maatasan ako bilang facilitator.

Hindi ako worthy na tanggapin ang duty na ito sa totoo lang dahil sobra akong makasalanang tao, hindi ako malinis, hindi ako karapat-dapat na maglingkod at magbigay puri sa Panginoon. Ngunit, siguro, napa oo na lang ako dahil naroon din noong mga oras na iyon ang pagkakataon na manalangin. Talagang humaharap ako sa matitinding tukso’t pagkakasala but as I lead the cadets and the service team, I prayed (and continuously praying) fron the bottom of my heart na sana’y maging totally equipped and strong that even lust can be defeated by my strong faith and chastity, ipinagdarasal ko ang aking pamilya, ang aking kalusugan, ang aking magiging asawa’t pamilya.

In general…

Before soldiers, there were knights who have their strong faith in God, praying before their battle. Now, PMA Cadets and all sectors of Armed Forces of the Philippines are the new generation of knights. Strongly committed to protect people, to fight for our fatherland, and to pray to God.

In every pain is a great reward.