Last Corporate Life, Shifting to Business Life

Nag-post ako ng isang retrato sa Instagram at sinabi ko na around 5 to 20 years from now, kabilang na ang Pilipinas sa mga bansang may high cost of living. Nabingi ako sa prediction na iyon, sa katunayan nga, bumili ang nanay ko ng isang maliit na supot ng sili na nagkakahalaga ng 10 piso kada apat na piraso, malayo na ito sa dati na makakabili ka ng maraming sili sa halagang 10 piso. Yung bolpen nga na 7 pesos ngayon 10 pesos na. Baka sa susunod 20 pesos na pagkatapos ng 5 hanggang 10 taon. Yung tuition fee halimbawa, siguro kapag patuloy ang pagtataas ng matrikula (CHED sucks a lot), many years from now, magiging 1 milyon na ang matrikula kada taon o kada semestre — depende sa paaralan.

Kaya karamihan na yata sa mga tao ngayon, super gipit na talaga at nahihirapan na talagang magbadyet dahil sa sobrang taas ng bilihin. Ang iba naman, gustuhin man nilang mag-ipon ng maraming pera (kabilang na ako doon), ay hindi magawa minsan dahil sa mga unexpected expenses at luho. This is very frustrating in my part na sa limang taon kong pagtatrabaho (since 2015), wala pa sa 10 thousand ang aking naipon. Nakakainis!

Bago isulat ang personal blog na ito, naisip ko na na magnegosyo na ako kaysa mamasukan. Ito rin ang sentimiyento ng nanay ko which is nagawa na niyang magnegosyo at ngayon ay nais ko na siyang subukan. There were many affiliate jobs/money earning apps na kumakalat ngayon sa Youtube at Facebook base sa mga napapanood ko sa buong maghapon pero ni isa man doon ay hindi ko naumpisahan dahil 1.) SUPER LIIT NG MONETARY VALUE, 2.) May payout conditions pa na dapat ganito muna ang ipon mo, dapat ganito, ganiyan, ganire, putang inang mga conditions na iyan, Kabwisit! 3.) Baka masayang lang ang data sa paggamit ng money earning app sa buong araw tapos ganito lang kaliit ang makukuha mo, 4.) Naniniwala ako na may mga nagmi-mislead na youtubers sa mga illegal na money earning apps para lang makakuha ng views at subcribers, 5.) Sobrang pasikut-sikot na proseso, 6.) Legit nga yung iba, maikli nga lang ang pasensiya mo at marami pang ibang rason.

Kung sa online selling naman ay hindi ko alam kung anong klaseng negosyo ang gusto kong gawin. Super dami na ng mga taong nagbebenta ng pagkain at inumin online so sa akin, parang masyado nang mainstream ang mga pagkain so doon ako sa mas higit na pangangailangan ng tao: BAHAY. House renting may be hard to established because there are so many contracts or approvals to fill-up such as BIR, Mayor’s Permit, Business permit. Pucha sobrang dami akala mo naman illegal ang gagawin tapos you have to have a very big capital para makapag-umpisa ng house renting business (malilban na lang kung OFW ka, madali na sa iyo ito I guess). But I think it will be worth it kasi magiging mabilis at malaki naman ang ROI mo lalo na kapag marami kang rooms na pinapaupahan tapos for example 5k a month ang rental fee, wow, that is so great. So, for those people who wants to have a house renting business, I think we can start in just one house and then two houses and then three and so on.

Kapag pinasukan ko ang pagnenegosyo na siyempre, bagay sa akin, there is no need for me to apply for a job and work anymore. Sa totoo lang, medyo nagsasawa na rin akong magwalk-in to apply a job in a targeted company tapos ang mas masakit pa ay bumabagsak sa exams or interview, I really hate that part kung tutuusin. I have a thinking na one day makakapag-ipon na talaga ako ng pera para makapagnegosyo naman kahit isang maliit na tindahan para may pampabuhay sa pamilya. Baka nga 5 to 10 years from now, kapag nagpatuloy ay pagtaas ng presyo ng mga produkto’t serbisyo, baka pumantay na ang mga nagnenegosyo sa mga nagtatrabaho o baka another 5 to 10 years from now, majority of the Filipinos will be on a home-based job or business. Poor private companies, dapat lang sa kanila iyan.

I also don’t want to get involved na sa networking and affiliate marketing kasi nadala na talaga ako at napakarami nang pera ang naubos ko. Kasalanan ko naman eh sa hangarin talaga na magkaroon na ng dagdag na kita at ipon eh at least nalaman ko na na hindi bagay sa akin ito. It worked this year na wala nang kahit sinong tao ang kumaibigan sa akin para lang maimbita ako sa kanilang pipitsuging networking company. Noong 2019, may isa, ang ganda pa naman ng babae pero ginamit niya yung kaniyang kagandahan para mapasama ako sa isang networking company na kaniyang sinasalihan, good thing at palihim akong tumakas pero nagpaalam din naman ako sa nag-invite sa akin. Same as in 2018 kung saan grabe talaga yung nawala sa aking pera. Nag-try na rin ako sa stocks kaso hindi ko na itinuloy dahil sa kutob na sobrang dami ng technicalities saka sa takot na maubos ang pera agad kasi sa stocks kapag nalugi ang isang kompanya or kapag hindi maganda ang performance sa stocks, pati pera mo, masasaid so cross-out na ang stock investing sa akin.

Kumakalat din ngayon sa social media yung mga taong nag-aalok ng bitcoin trading sa comments section. I have talked to some people and then I ignored those kasi nag-iinquire pa lang naman ako tapos nag-aalok na agad sila ng ganitong investment, FUCK those. So yung iba, bigla na lang nagba-block ang mga ito. Hmmmm…

This might be tempting for some people who doesn’t have the idea of earning lots of money through those platforms na nabanggit ko kanina pero siguro, mayroong mga taong magpapaalala sa kanila na hindi ganoong kadaling kumita ng pera sa mga ganoong money earning platforms (maliban na lang kung SUPERCALIFRAGILISTIC EXPEALDICIOUS MASIPAG KA, maybe you can try that).

Hopefully on the year 2021, in my 5th job, hopefully na maging stable na ang trabaho ko with stable and competitive salary. Target ko nga sana that the 5th company would be my last company I will work kasi after that, papasukin ko na ang pagnenegosyo or any money earning platform na nababagay sa akin. STILL LOOKING PA FOR A VERY LEGIT ONE. Yung legit talaga ha, hindi yung legit lang sa pangalan at proofs. And hopefully, yung youtube channel ko ay magkaroon na rin ng at least 1K subs.

Leave a comment